Wife It Up.

Pop up my Cbox

Wonder

Wonder
mumay

Monday, March 7, 2011

FIRST TAGALOG POST KO.

hindi ko alam kung bakit may mga taong sadyang darating sa buhay natin, bibigyang halaga ka pagkatapos bigla na lang may mangyayari na hindi mo maunawaan....


minsan ng may taong dumating sa buhay ko, hindi siya lalaki o hindi rin siya babae, matatawag ko siyang kaibigan, ngunit tunay nga bang kaibigan ang dapat kong itawag sa kanya? gayong sa umpisa lamang siya nagpakita ng tunay na ugali ng isang tunay na kaibigan....


masaya ang magkaroon ng mga taong uunawa sa iyo, sa mga bagay na akala mo'y wala ng makakatulong sa'yo, sa mga pagkakamali na akala moy wala ng tatanggap at uunawa.


masaya ngunit pag nawala sila, maiisip mong ano ba ang naging pagkukulang mo at bigla na lang nagbago ang lahat..


siguro nga, tama ang kasabihang, "walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago" tao lamang sila na gaya ko rin...


may taglay na kahinaan at kalakasan, pero bakit nagka ganoon? tila yata naging kalakasan nila ang aking kahinaan?




MAHALIN NA LAMANG NATIN ANG MGA TAONG DARATING PA SA BUHAY NATIN, SABI NGA NILA. KAYA SIGURO MAY UMAALIS KASI MAY MABUTI PANG DARATING, YUNG IINTINDI SA ATIN AT MAGTATAMA NG LAHAT NG ATING MGA PAGKAKAMALI. (JLC)


No comments:

Post a Comment